Tumingin ako sa relo ng opisina… Alas otso y media na pala ng gabi… pambihira… buong hapon na pala akong nakababad sa computer na ito… saka ko lang naisip… kumakalam na pala ang sikmura ko… GUTOM na ako!!!
Lumapit ako kay Gen… na kanina pa pala naghihintay upang sabay kaming kumain… nakaligtaan ko yata… paalis na kami nang dumating ang isang kliyente… haay.. salamat libreng hapunan na naman po kami =p
Naglakad kami papuntang restaurant kasama ang isang kliyente na manlilibre sa amin ng hapunan… sa hirap ng buhay ngayon… may libre pa pala? Hehehe
Habang kumakain… hindi namin napigilan ang tumawa nang tumawa dahil na rin sa kakaibang patutsada ni Gen at pati ang Kliyente ay nakisali na rin… nariyan pa si Mona na lagi akong napapatawa sa simpleng kibot lang… =)
Nakakatuwa naman… matagal na rin akong hindi nakakatawa na halos sumakit ang aking tiyan sa tinding katuwaan… haay… ang saya…
Natapos ang hapunan… kanya kanyang uwian… alas onse na ng gabi at katatapos lang ng malakas na ulan… paglabas namin ng restaurant ay umaambon pa… sasakay sana kami ng taxi, pero naisip kong maglakad na muna… hmmm naisip kong lubusin na ang pagkakataong ito na ipakita ang aking kawirduhan… nakakamiss ang ganito… maglakad sa ilalim ng patak ng ulan… J nakisama na rin sa akin si Gen at si Mona.
Naisip ko… ang tagal ko nang hindi nagagawa ang ganito… nalala ko tuloy ang ibang taong sinamahan rin ako habang naglalakad sa ulan… SIYA… Sabay kaming naglalakad sa ulan… tulad ko may pagkaweirdo rin… heheeh weirdo ba ako? Hindi alintana ang lakas ng ulan… lumalakad kami na para bang hindi kami mababasa… ninanamnam ang sandaling umuulan… dahil mamaya ay hihinto na rin ito...Kinabukasan… lalagnatin kami pareho…
Kumusta na kaya SIYA? Kumusta KA na ba? Kailan kaya tayo mag-uusap ulit ano? Hmmm… siguro malapit na… konting panahon na lang… handa na akong makipag-usap sa IYO.
-AKO
No comments:
Post a Comment