Saturday, May 5, 2007

Ang Mundo ni Sisa


“Para akong baliw na nakakulong sa apat na sulok ng kwartong ito. Hindi makakilos… bawal gumalaw. Gusto kong magwala at magsisisigaw nagbabakasakali na ako ay marinig at maintindihan. Subalit kahit anong gawin kong pagsisisigaw paos na ang aking tinig at may kalakip na itong paghihinagpis.Gustuhin mang tumakas, walang magawa. Sapagkat sa aking daraanan, may rehas na nakaharang at sa aking paanan ay kadenang nangangalawang.”

“Umiyak ako nang umiyak hanggang sa ako ay napagod at naging manhid na lamang. At Naging tulala sa magdamag.”

“Heto ako ngayon. Umiiyak pero walang bakas ng luha. Biglang tatawa nang walang dahilan. Sasayaw sa apat na sulok ng aking silid. Lakad nang lakad na animo’y nagmamadali, wala namang patutunguhan.”

“Baliw ba ako?” (Itanong mo yan sa sarili mo!!!)

“Sa kanyang mata animoy siya ay naaawa… ngunit ang totoo naman ay siya’y nangungutya.”

“Sinasabi ko sa’yo… ako ngayon ay Malaya. Nakakapunta saan man naisin. Sasakay sa magarang kotse at aastang parang politiko na nanghihingi ng boto. Isusuot ko isang magarang damit at ako ay magiging hari na nakatira sa palasyo. Lahat ng utos ay sinusunod dahil ako ay isang hari.”

“Kaya sasabihin ko sayo… ako ay hindi baliw!!! Ang mundo na aking ginagalawan ay isang pelikula… kung saan ako ang bida.”

“Ito ang mundo ko… Tanong ko sa’yo… Baliw ba ako? “

“Kung sagot mo ay OO - ikaw naman ay GAGO!!!”

“Hindi ako baliw? – Tanga ka!!!”

“Hindi mo alam kung ano ako? - Ewan ko sayo!!!”

"Galit ka na? - Kawawa ka naman!!!"


“Sasabihin ko sa’yo… Hindi ako Baliw!!! Naririnig mo ba ang sigaw ko? Hindi ako Baliw!!!! Hahahahha!!!!!”

“Sinong Baliw? Hindi ako Baliw!!!! Hahahahaha!!!! Baliw… Baliw… Bal… B…” (Himbing na pagtulog)

No comments: